Pagpapahayag ng Prinsipyo, Adhikain, at Paniniwala
ng Komisyon ng Populasyon
Kami ay may pagpapahalaga sa kagalingan at kahusayan.
Sa pamamagitan ng aming pagganap at pagtugon sa aming tungkulin,
pagsusumikapan naming maging sentro ng kahusayan ang Komisyon ng
Populasyon.
Kami’y magiging maagap, masinop at may angkop na pagkilos sa
aming mga programa at polisiya, at paglapat ng kalutasan sa mga
suliranin, at magsisilbing katangi-tanging huwaran sa
organisasyon.
Integridad ay pangunahin sa Komisyon.
Kami’y bukas at malinaw sa pakikipag-ugnayan at sumusunod sa
etika at pamantayan ng pamahalaan.
Kumikilala sa dignidad at halaga ng bawat kawani, at may tiwala
at paggalang sa integridad ng kapwa.
Disiplina ang pagkakakilanlan ng etika ng gawain.
Mamamalas ang disiplina sa sarili, sa: pagiging wasto at nasa
oras, sa pagpasok at gawain, sa pagsunod sa mga patakaran ng
opisina lalo’t higit sa wastong pananamit at asal, at sa
pangangalaga ng mga kagamitan at pag-aari ng pamahalaan at
pag-seguro sa nararapat nitong pakinabang.
Pagsisikapan naming makamit ang kahusayang pangkalahatan:
nagaganyak ng pagkilos na panahon at buong loob ang mithiing
magtagumpay at tumuklas ng bago.
Kami’y naniniwala na ang masigla, malakas, at mahusay na aniban
ay pangunahin at kasangkapan sa kultura ng tunay na kahusayan.
Kami’y nagkakaisa at nagsasama-sama, na may pakundangan sa
damdamin at kapakanan ng aming kapwa.
Bukas at tumatanggap ng kritisismo at opinyon at
naniniwala sa partisipatibo at konsultatibong proseso.
Sa aming pagbubuklod, kami’y patuloy na uunlad at magtatagumpay, sa
aming sarili at sa aming samahan.
Sa pagkakaisa, kami’y may kabuluhan. |